Monday, October 17, 2005

Ayoko Nang Maulit Muli!

Sa pagkakataong ito, ayaw ko nang masaktang muli.
Sa panahong ito, ayaw ko nang maramdamang muli,
Ang sakit at lungkot na dulot nang
Puso kong tanga at hibang.

Ayoko nang maulit ang dating nasapit;
Nang inibig ka, kapalara'y pumait.
Nagpakatanga, nagpakagaga.
Na iibigin mo ri'y, ako'y umasa pa.

Tama na. Ayoko na talaga.
Ayoko nang magmahal, magpakatanga.
Ayoko nang muling umasa.
Na ika'y makakapiling ko pa.

Bakit ba ganito na lang palagi?
Bakit nagsisimula na namang sumagi
Sa aking isipan na ika'y mahalin
Kahit alam ko namang bale wala rin.

Nawa'y makayanan ko sana
Na damdaming ito'y di na lumala
Pagpalain nawa ako ng Poong Maykapal
Na sa akin ay may talagang magmahal.

101705

Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?